Google Chrome sa Filipino
September 8th, 2008 | by ka edong |
Google Chrome
Natuwa naman ako nung makita ko ang link sa Google Chrome naka-sulat sa Filipino. Nung una, akala ko yung mga pahina lang papunta sa installer ng Google Chrome ang naka-salin sa Filipino.
Pero hindi lang iyon. Pati ang mga FAQs (Frequently Asked Questions) ng Google Chrome website ay naka-salin sa Filipino.
Ngayong ginagamit ko na ang Google Chrome, ikinatutuwa ko na mayroon ding pag-salin sa luob ng Google Chrome mismo. Yung mga pagpipilian (menu) ng browser mismo ay naka-salin sa Filipino.
Ilang halimbawa ng pag-salin sa Filipino:
- Bagong Tab (New Tab)
- Bagong window
- Bago window na incognito
- Lumikha ng mga shortcut sa application
- Alisin (Cut)
- Kopyahin (Copy)
- Ilagay (Paste)
- Hanapin sa pahina
- I-save ang pahina bilang …
- I-print
- Bumubuo
- Mag-ulat ng bug o nasirang website
Salamat para sa pagsubok ng Google Chrome!
1. Mag-click sa OK o I-save ang File sa window na lilitaw.
Wala kang nakikitang window? Mag-click dito.
2. Piliin ang Mga Pag-download mula sa menu ng Tools sa Firefox.
May lilitaw na isang window na nagpapakita ng iyong mga download.
3. Mag-double click sa produkto sa window ng Mga Pag-download.
Awtomatikong mag-i-install na ngayon ang iyong software. Kung kailangan mo ng tulong, mag-click dito.
Ang Google Chrome installer ay dapat na makukumpleto sa ilang mga segundo at awtomatikong simulan ang iyong bagong browser.
10 Features of Google Chrome Google Chrome announcement
The story behind Google Chrome



